just a thought…
February 22nd, 2006 by kevs-31"we only live once…
if you live it right,
once is enough."
"we only live once…
if you live it right,
once is enough."
Love is a temporary madness. It erupts like an earthquake and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your roots have become so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is. Love is not breathlessness, it is not excitement, it is not the promulgation of promises of eternal passion. That is just being "in love" which any of us can convince ourselves we are.
Love itself is what is left over when being in love has burned away, and this is both an art and a fortunate accident. Your mother and I had it, we had roots that grew towards each other underground, and when all the pretty blossom had fallen from our branches we found that we were one tree and not two.Your lips speak soft sweetness
Your touch a cool caress
I am lost in your magic
My heart beats within your chest
I think of you each morning
And dream of you each night
I think of your arms being around me
And cannot express my delight
Never have I fallen
But I am quickly on my way
You hold a heart in your hands
That has never before been given away
i feel like an idiot, chasing after someone who i’m not even sure cares for me.
why do i keep trying to make things work out between us when i know for a fact that it’s just not possible…
why do i waste my time loving someone who does’nt love me…
why do i keep doing things for her when she does not appreciate a single thing i’ve done for her…
i know… kasi mahal ko sya eh… masaya ako sa ginagawa ko… sabi nga nila masakit magmahal… pero mas masakit magmahal ng taong hindi ka mahal.
You can never have everyone praise you, nor will everyone condemn you. Never in the past, not at present, and never will be in the future.
"To the world you might be one person, but to one person you just might be the world"
A man has only one escape from his old self: to see a different self in the mirror of some woman’s eyes.
-Clare Boothe Luce
Every fool knows you can’t touch the stars, but it doesn’t stop a wise man from trying.
-Harry Anderson
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong
kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.
Lesbian na
yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi
ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng “PENDONG!”.
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung
napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig,
kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano
pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama
mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang dating
masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na
ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa
kumpanya
ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na
lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka
sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod
ka.
Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo
kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa
opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil
gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag
nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang
umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga
totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang
sisira
sa inyong dalawa.
Pera… Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin
ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at
Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng
tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit
canton. Ngayon, dapat may kasamang italian
chicken ang
fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag
nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapag swimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o
Puerto
Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang
gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red
wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka
Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga
bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit
nasa
iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin
makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para
maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa
Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka
rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi
ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga
tao at mga bagay na nagpasaya sa’yo. Balikan mo
sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.